“Mañana habit,” iwasan sa pagpaparehistro sa 2019 polls – DILG

Inquirer file photo

Hinikayat ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga kabataang botante na magrehistro para sa 2019 midterm elections.

Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang deadline ng voter registration para sa 2019 May polls sa September 29, 2018.

Ayon kay DILG spokesman Assistant Secretary Jonathan Malaya, iwasan na ang “mañana” habit o “last-minute syndrome” at magparehistrado sa mismong araw ng deadline.

Ang pagboto aniya ay isang paraan para makiisa sa demokrasya at makatulong sa pagbabago sa bansa.

Inudyok din ni Malaya ang mga bagong halal na Sangguniang Kabataan officials na maging modelo sa mga kabataan at hikayatin ang mga kasamahan na magrehistro at bumoto sa May 13, 2019.

Nagsimula ang voter registration para sa 2019 May polls noong July 2.

Read more...