Ouster plot vs Duterte, hindi magtatagumpay – Palasyo

Positibo ang Malakanyang na ang anila’y gutom sa kapangyarihan na destabilizers ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi magtatagumpay na patalsikin ang gobyerno dahil sa malakas na suporta ng mga Pilipino sa pangulo.

Pahayag ito ni Presidential spokesperson Harry Roque kasabay ng pagkumpirma sa ouster plot na tinatawag na “red october” na unang ibinunyag ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Roque, walang duda na sa simula pa lang, ang CPP-NPA ang nasa likod na pabagsakin ang pamahalaan.

Alam din aniya ng Palasyo na may mga tao sa oposisyon na sakim sa kapangyarihan na gusto ring pabagsakin ang administrasyong Duterte kabilang aniya ang Magdalo group na umano’y adik sa kudeta.

Pero sa kabila aniya ng ouster plot ay kumpyansa ang gobyerno sa suporta ng publiko kay Duterte.

Patunay aniya ang bagong SWS survey na nagsabing walo sa sampung Pilipino ang sumusuporta sa war on drugs ng pamahalaan.

Read more...