Burgos, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Credit: Phivolcs

Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Surigao Del Norte, Lunes ng gabi.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang lindol sa layong 76 kilometers Northeast ng bayan ng Burgos.

Niyanig ang bayan ng Burgos bandang 6:11 ng gabi.

May lalim ang lindol na 16 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala rin inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...