Naipautang ng SSS sa mga retiradong pensyonado, umabot sa halos P50M

Inquirer File Photo

Pumalo na sa P49.78 milyon na pension loans ang naipautan ng state-run na Social Security System (SSS) sa Setyembre sa tinatayang 2,000 na retiradong pensioners sa pamamagitan ng loan program.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc, hudyat ito na marami ang tumatanggap sa loan privilege na magagamit ng mga pensiyonadong miyembro para punan ang kanilang pangangailangan.

Ang magandang balita pa ng SSS, maaari nang nag-apply ng pension loan sa 34 na sangay ng ahensya sa buong bansa.

Inaasahan din nila na madaragdagan pa ng 50 branches na tatanggap at magpo-proseso ng pension loan applications upang mas maraming pensioners ang makakautang.

Read more...