Death toll sa Itogon landslide, umabot na sa 75

Kuha ni Erwin Aguilon

Lumobo na sa 75 ang bilang ng namatay sa landslide sa Itogon, Benguet kabilang ang mga nasawi sa Barangay Ucab habang 39 pa rin ang nawawala.

Ayon kay Presidential political adviser Francis Tolentino, ito ang update ni Chief Supt. Rolando Nana, Cordillera Police regional office director, hanggang sa araw ng lunes, September 24, 2018.

Karamihan aniya sa mga nasawi o iyong mga nasa labas ng evacuation centers ay hindi mga residente sa lugar.

Malaking bilang aniya sa death toll ay mga tao mula sa Ifugao, Nueva Vizcaya, ilan ang galing sa Batangas at Quirino.

Dagdag ni Tolentino, ang maraming tao mula sa mga probinsya ay mas gustong manatili sa mining site kung saan gumuho ang lupa dahil wala silang mapuntahang ibang lugar.

Bukod aniya sa Benguet Mining Corporation, dapat ding sisihin ang lokal na pamahalaan sa pagiging bulag sa small scale mining na sinasabing dahilan ng landslide.

Read more...