Ganda ang secret weapon sa pagpasok sa magic 12 ng mga survey – Sen. Nancy Binay

Ganda lang daw ang secret weapon ni Senadora Nancy Binay sa malakas niyang standing sa senatorial surveys.

Pabirong sinabi ni Binay na ang mataas niyang ranking sa bagong Pulse Asia survey ay dahil sa kanyang ganda.

Sagot ito ng senadora sa tanong mga mamamahayag kung ano sa tingin nito ang kanyang bentahe kaya lagi siyang pasok sa magic 12.

Sa bagong pre-election survey ay nasa pagitan ng third at fourth ang rank ni Binay.

Pero sa seryosong punto ay sinabi rin ni binay na baka na-appreciate ng publiko ang kanyang trabaho.

Katunayan ay nagulat umano ang mambabatas na lagi siyang pasok sa top 12 sa mga survey sa kabila ng mga alegasyon na ibinato sa kaniyang pamilya.

Read more...