Ayon kay Salo, hindi lang mga kabataan ang maaaring maapektuhan ng HIV-AIDS kaya kailangang mapalakas ang HIV awareness at mahikayat ang mga nagpositibo sa sakit na magpagamot.
Paalala ni Salo sa DOH, dahil sensitibo na ang mga senior citizens dapat ay maging maingat ang mga doktor at nurse sa mga matatandang sumasailalim sa gamutan at counselling sa sakit na HIV-AIDS.
Sa naitalang 6,532 na nagkasakit ng HIV-AIDS mula Enero hanggang Hulyo ng 2018, aabot sa 166 ang nagpositibo sa sakit na nasa edad 50 anyos pataas kung saan pinakamatanda ay 65 anyos na babaeng OFW.
Mula 2013 hanggang 2018, umabot na sa 1,047 na mga nasa edad 50 pataas ang nagkasakit ng HIV-AIDS.