Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang resulta ng bagong Social Weather Stations (SWS) sruvey kaugnay sa kampanya kontra sa ilegal na droga.
Sa resulta ng Second quarter ng SWS survey, 79 percent sa mga Pilipino ang kuntento sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Dahil dito, lumalabas na walo sa sampung Pilipino ang pabor sa naturang kampanya.
Sa press briefing, ikinalugod ni PNP chief Director General Oscar Albayalde ang magandang pagtanggap ng publiko sa ipinatutupad na anti-crime campaign.
Aniya, nananatili ang datos ng SWS sa nakakalap na datas ng PNP.
Dagdag pa nito, tinatanggap ng PNP ang iba’t ibang survey para sa mapanatili ang kaligtasan at mabawasan ang krimen sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES