PAGASA, nagbabala sa banta ng landslides

Kuha ni Erwin Aguilon

Dahil malambot pa ang lupa sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Ompong, nagbabala ang PAGASA ng banta ng bagong landslides habang papalapit ang Bagyong Paeng.

Ayon kay Rene Paciente ng PAGASA, simula sa kalagitnaan ng linggong ito ay makakaranas na ng mahina hanggang katamtamang ulan sa Hilagang Luzon dahil sa bagong bagyo.

Sa Cordillera area aniya, kahit katamtamang ulan o thunderstorm, posible pa ring magdulot ng pagguho ng lupa kaya pinayuhan nito ang mga nakatira sa bulubundukin na umalis na sa lugar na prone sa landslide.

Dagdag ni Paciente, hindi magdadala ang Bagyong Paeng ng maraming ulan gaya ng Bagyong Ompong pero asahan pa rin ang malakas na ulan at hangin sa tip ng Northern Luzon o sa Batanes-Babuyan Islands area sa Biyernes, September 28, 2018.

Sa paglapit aniya ng Bagyong Paeng sa bansa ay makakaranas ng light to moderate rains at thunderstorms ang Northern at Central Luzon simula sa Miyerkules, September 26, 2018.

Read more...