Sinisisi ng Bangus Industry Stakeholders and Dealers Alliance (BISDA) ang board resolution no. 540 ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) kung bakit nagtaas ang presyo ng bangus.
Ayon kay Atty. Joel Dizon, dahil sa board resolution ng LLDA, binaklas at giniba ang hektarya-hektaryang fishpen sa Lawa ng Laguna na mula sa 12,500 hektaryang paisdaan na ngayon ay nasa 5,124 hektarya na lang.
Dahil dito, bumaba ng 78 percent ang produksyon ng bangus sa bansa na nagresulta ng pagtaas ng presyo ng bangus sa pamilihan.
Pinanawagan ng grupo na ibalik kahit sa carrying capacity na mahigit 9,000 ang lawak ng paisdaan sa Laguna Lake at pag ganun umano nangyari kaya nilang maibaba sa presyo ng kada kilo ng bangus.
Sa ngayon, umaabot sa P150 hanggang P180 kada kilo ang presyo ng bangus sa pamilihan.