Ang nasabing tulay ang nag-uugnay sa Makati City at Mandaluyong City.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, isa ang Estrella-Pantaleon Bridge sa dalawang tulay na popondohan sa ilalim ng aid grant mula sa People’s Republic of China na isasakatuparan sa bisa ng bilateral cooperation sa pagitan ng Pilipinas at China.
Sinabi ni Villar na target nilang matapos ang konstruksyon ng tulay na may habang 504.46 meters sa taong 2020.
Aabot umano sa P1.3 milyon na mga sasakyan ang dumadaan sa nasabing tulay araw-araw at ito ay mas mataas nang triple kaysa sa kapasidad nito.
MOST READ
LATEST STORIES