Confidential and intelligence fund ng pangulo hindi gagamitin laban sa oposisyon

Tiniyak ng isang lider ng Kamara na hindi magagamit ang P2.5 bilyon na confidential and intelligence funds ni Pangulong Duterte sa susunod na taon laban sa mga taga-oposisyon sa ilalim ng national security.

Ito ang iginiit ni Campostela Valley Rep. Maria Carmen Zamora, vice chairman ng House Committee on Appropriations at pangunahing nag sponsor sa plenaryo ng panukalang 2019 P3.757 Trillion General Appropriations Bill (GAB).

Paliwanag ni Zamora na ang P1.25 bilyon confidential at intelligence expenses ay nakalaan para sa war on drugs, criminality at corruption ni pangulong Duterte.

Nabatid na and confidential at intelligence funds ng Office of the President (OP) ay mataas ng 12.32% kaysa nitong 2018 budget.

Ang pananatili ng P2.5 bilyon na naturang budget sa ilalim ng OP na P6.773 bilyon para sa 2019 ay nagkataon sa second quarter 2018 Social Weather Stations (SWS) survey kung saan lumalabas na halos 8 sa 10 Filipino ay satisfied sa war on drug ng pangulo o 78% habang 13% ang hindi satisfied at 9% ang undecided.

Ang confidential at intelligence funds ay hindi na nangangailangan ng resibo kaya hirap silang i-audit kung saan ginamit ang nasabing salapi.

Sa ginanap na plenary debate nagpahayag ng pangamba si Akbayan Rep. Tom Villarin na ang nasabing pondo ay magamit sa oposisyon para mapatahimik sila lalo na at papalapit na ang 2019 elections.

Read more...