2 babae arestado sa ilegal na droga sa Maynila

MPD Photo

Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Jose Abad Santos Police Station Police Station -7 ang dalawang babaeng vendor matapos na mahulihan ng shabu sa Rail Road Track at Daang Bakal corner Dagupan Extn., Tondo, Manila.

Nakilala ang mga suspek na sina Maria Riza Nival, 29-anyos vendor at residente ng 2106 B. Molave Street, Tondo, Manila at Edna Lastimosa, 47-anyos residente ng 2105 Dagupan Extension, Tondo, Manila.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Carlo Manuel nagsagawa ng Anti-Criminality Operation, ang mga operatiba ng MPD sa naturang lugar nang mahulihan ng plastic sachet na may lamang hinihinalaang shabu.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa ng mga pulis laban sa mga suspek.

Read more...