Mahal na presyo ng manok sa Kamuning Market nabisto ng DTI at DA

Nabisto ng Department of Agriculture (DA) at ng Department of Trade and Industry (DTI) na mahal pa rin ang binibentang manok sa Kamuning market.

Ang pinagtatakahan ng otoridad ay kung bakit nasa sa P160 ang presyo ng isang kilo ng manok sa palengke gayong dapat ay P120 na lang presyo nito kada kilo.

Dahil dito, sinabi ni Junibert Sagun, ng DA, magsasagawa sila ng imbestigasyon at pagpapaliwanagin nila ang mga vendor na nakitaan nila na nagbebenta ng mataas na presyo ng manok.

Natuwa naman ang DA at DTI dahil bumaba naman ang presyo ng ilang gulay, gaya ng mga sumusunod:

Repolyo – dating P350 ngayon ay P130
Carrots – dating P250 ngayon ay P180
Baguio beans – dating P200 ngayon ay P160
Kalamansi – dating P100 ngayon ay P60
Sibuyas – dating P120 ngayon ay P90
Bawang – dating P100 ngayon ay P80
Kamatis – dating P120 ngayon P70

Read more...