Delfin Lee ng Globe Asiatique nakapagpiyansa na; bumisita sa housing community sa Pampanga

Inquirer Photo | Allan Macatuno

Matapos ibaba ng Korte Suprema ang kaniyang kaso, nakapagpiyansa na si Globe Asiatique President Delfin Lee.

Nakalaya na si Lee matapos ibaba ng Supreme Court sa simple estafa ang kaso niyang syndicated estafa.

Lunes (Sept. 24) ng umaga nagtungo si Lee sa Xevera housing community sa Pampanga.

Ito ay makalipas ang walong taon matapos siyang makasuhan at makulong dahil sa P7 billion na halaga ng housing scam.

Ayon kay Lee nagpasya siyang bisitahin ang homeowners ng Xevera matapos ang kaniyang paglaya.

Ito ang unang paglabas sa publiko ni Lee matapos makalaya.

Read more...