Blogger Drew Olivar tutuluyan ng PNP dahil sa bomb scare post sa FB

Tiniyak ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde na sasampahan nila ng kaso ang blogger na si Drew Olivar.

Ito ay dahil sa kanyang bomb scare post sa Facebook.

Ayon kay Albayalde, paglabag sa Presidential Decree 1727 o pagbabawal ng pagbibiro na may kinalaman sa bomba ang ginawa ni Olivar.

Sinabi naman ni NCRPO chief, Police Director Guillermo Eleazar, mismong ang PNP na ang magsasampa ng kaso laban kay Olivar.

Posible rin umano na bukas maisampa na ang kaso matapos ang konsultasyon sa Cyber Crime Group ng PNP.

Magugunitang nag-post si Olivar ng banta nab aka may bomba sa EDSA.

Kung mapapatunayang guilty ay maaring makulong o mapagmulta si Olivar.

Read more...