Umabot na sa P18 billion ang halaga ng pinsala na naidulot ng pananalasa sa bansa ng bagyong Ompong.
Ayon sa National Disaster RIsk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa nasabing halaga, P4.4 billion ang naitalang pinsala sa imprastraktura at P14.3 billion naman sa agrikultura.
Partikular na nasalanta ang Regions 1, 2, 3, Calabarzon, 5, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Aabot sa 171,932 na mga magsasaka ang napinsala ng bagyo sa CAR.
At 117,685 na mga bahay ang nawasak sa apat na rehiyon sa bansa.
Umabot naman sa 2.1 milyon na katao ang naapektuhan ng bagyo o katumbas ng mahigit kalahating milyong pamilya.
MOST READ
LATEST STORIES