2 patay, 1 arestado sa magkakahiwalay na drug operations sa Isabela

Dalawang drug suspects ang nasawi habang isa ang naaresto sa magkakahiwalay na drug operations na isinagawa ng mga otoridad sa lalawigan ng Isabela.

Sa Sitio Padilla, Barangay Tagaran sa Cauayan City, nasawi ang suspek na si Manny Mapalo, 48 anyos.

Ito ay makaraang manlaban ang suspek nang malamang pulis pala ang pinagbentahan niya ng P1,000 halaga ng shabu.

Pinaputukan ng suspek ang pulis pero nakasuot ito ng bullet-proof vest kaya hindi naman nasaktan.

Samantala sa bayan naman ng Cabatyan, nasawi ang suspek na si Robery Cabuyadao makaraan ding manlaban.

Sa hiwalay na operasyon, isa namang drug suspek na kinilalang si Wellington Aguda, 39 anyos ang naaresto ng mga otoridad sa harapan ng isang shopping mall.

Si Aguda na sangkot din sa isang sindikato ng gunrunning ay nakuhanan ng ilegal na droga, baby armalite rifle, isang 9mm pistol at mga bala.

Read more...