PUBLIC SERVICE: Service interruption ng Maynilad sa Valenzuela at Parañaque

Mayroong pito hanggang walong oras na water service interruption ang Maynilad sa bahagi ng Valenzuela City at Parañaque City.

Sa abiso ng Maynilad mula alas 10:00 ng gabi mamaya hanggang alas 6:00 ng umaga bukas ay mawawalan ng suplay ng tubig ang Barangay Karuhatan, Marulas at Parada sa Valenzuela City.

Alas 10:00 naman ng gabi mamaya hanggang alas 5:00 ng umaga bukas ay mawawalan ng suplay ng tubig ang Barangay Merville at Moonwalk sa Parañaque.

Inabisuhan ng Maynilad ang mga apektadong residente na mag-ipon ng tubig na kanilang kakailanganin para sa nabanggit na mga oras.

Read more...