Armadong lalaki dinakip sa Buckingham Palace

Isang lalaki ang inaresto matapos mahulihan ng armas sa bukana ng Buckingham Palace sa London.

Ayon sa mga otoridad, armado ng Taser stun gun ang 38 anyos na lalaki.

Naganap ang insidente sa labas ng visitors entrance.

Sa ngayon ay nasa Balmoral Castle sa Scotland ang miyembro ng Royal Family para sa summer break kasama si Queen Elizabeth at si Prince Philip.

Nananatiling nasa heightened alert ang London dahil sa mga terror-related incident.

Pinakahuli ay noon lamang Agosto kung saan isang kotse ang sumagasa sa security barriers sa palibot ng House of Parliament.

Read more...