P704M Ultra Lotto jackpot, hindi pa rin napanalunan

Bigo pa ring mapanalunan ng mga mananaya ang tumataginting na P704,720,320 na jackpot prize ng 6/58 Ultra Lotto ng PCSO.

Ang jackpot prize na ito ay ang pinakamalaki na naitala sa kasaysayan ng 6/58 Ultra Lotto nang magsimula ito noong February 2015.

Dumagsa sa mga tayaan ng lotto ang publiko kahapon.

Ang winning number combination ay 58-08-34-29-35-38.

Dahil dito, inaasahang lolobo pa ang jackpot prize sa susunod na draw sa Martes.

Read more...