China nagpalipad ng mga armed jets sa West Philippine Sea

from South China Morning Post
Photo from South China Morning Post

Ipinagmalaki ng China ang kakayanan nilang ipagtanggol ang kanilang pag-aangkin sa pinag-aagawang teritoryo sa Spratly Islands ilang araw lamang kasunod ng paglalayag ng armed naval ship ng Estados Unidos.

Sa katunayan kusang inilabas ng pamahalaan ng China ang mga larawan ng isinagawa nilang naval aircraft training sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea na kung saan ipinakitang sa mismong reclaimed area na ginawang airstrip nag-take off ang mga armed jets.

Ayon kay retired Gen. Xu Gyangyu na nakausap ng South China Morning Post, ang hakbang na ito ng China ay pagpapakita na hindi mangingiming ipagtanggol ang karagatang sakop ng China.

Ang Estados Unidos ay nagsagawa ng paglalayag sa pinagtatalunang teritoryo sa Spratleys para igiit ang freedom of navigation ng mga bansa na labas anila sa usapin ng magkakautanggaling pag-angkin ng ilang bansa sa naturang teritoryo.

Nangako rin ang Estados Unidos na uulitin ang paglalayag.

Maliban sa Pilipinas at China, kabilang sa mga bansang may sovereign claim sa Spratleys ang Malaysia, Brunei at Vietnam.

Read more...