Utang-panlabas ng Pilipinas nabawasan ng 5.47%

Nabawasan ng 5.47% ang utang-panlabas ng Pilipinas sa pagtatapos ng Hunyo ngayong taon, kumpara sa kaparehong panahon noong 2017.

Batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) mula sa USD3.838 bilyon noong nakaraang taon ay USD3.628 bilyon na lamang ang utang ng bansa.

Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla Jr., patuloy na bumababa ang utang ng Pilipinas dahil sa ginagawang deleveraging ng mga corporate borrowers.

Sa loob ng anim na buwan, ang net principal repayment ng bansa ay nasa USD2.4 bilyon.

Sa pagtatapos ng ikalawang quarter ng taon, ang total public sector external debt ng Pilipinas ay bumaba sa USD38 bilyong mula sa USD39.2 bilyon sa pagtatabos ng buwan ng Marso. Mayroon namang net principal payment ang bansa na USD245 milyon.

Ngunit bahagya namang tumaas ang panlabas na utang ng pribadong sektor. Mula kasi sa USD34 bilyon ay umakyat ito sa USD34.2 bilyon sa pagtatapos ng Hunyo.

Read more...