Mga buhay na biktima inaasahang makukuha mula sa guho sa Naga City, Cebu

Umaasa ang mga rescuers na mayroon pa rin silang nakukuang mga survivors mula sa naganap na landslide sa Naga City, Cebu.

Sa isang panayam, sinabi ni Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head, Baltazar Tribunalo na kasabay ng kanilang patuloy na paghuhukay sa guho ay umaasa silang mayroon silang makukuha na mga buhay na natabunan.

Aniya, pinaigting pa nila ang kanilang pagpaplano kung paano mahahanap ang mga natabunan ng guho.

Nagpasalamat din si Tribunalo sa Department of Science and Technology ng University of the Philippines dahil sa ibinigay nitong mapa na makatutulong sa kanilang isinasagawang rescue and retrieval operations.

Ngunit aminado ang opisyal na nahihirapan ang kanilang mga rescuers dahil sa lagay ng panahon sa lugar, maging sa lawak ng lupang gumuho mula sa bundok.

Ayon pa kay Tribunalo, bukod sa kanilang ginagawang operasyon ay pinaaalis na rin nila ang mga residente sa lugar na posibleng mabiktima rin ng landslide. Kaya naman kakailanganin na aniya nila ang tulong ng mga pulis upang mapaalis ang mga residenteng ayaw lumikas sa lugar.

Read more...