Muling lumakas ang bagyong Paeng habang binabagtas nito ang karagatang sakop ng silangang bahagi ng Luzon.
Sa 11PM severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyon sa 1,185 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Lumakas ang hangin nitong dala sa 145 kilometro bawat oras malapit sa gitna ay may pagbugsong aabot naman sa 180 kilometro kada oras.
Gumagalaw ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras sa direksyon kanluran-hilagang kanluran.
Wala pa ring direktong epekto ang bagyo sa alinmang bahagi ng bansa at wala ring inaasahang epekto ang bagyong Paeng sa southwest monsoon o hanging habagat.
Posibleng maapektuhan ng bagyo ang extreme Northern Luzon, kabilang ang Batanes at Babuyan Group of Islands sa Biyernes, September 28.
Mayroon ding posibilidad na itaas ang tropical cyclone warning signal sa dulong bahagi ng Hilagang Luzon sa Huwebes o Biyernes, maging ang paglalabas ng gale warning.