M6.4 na lindol tumama sa Guam

Photo by: USGS

Niyanig ng isang malakas na lindol ang Guam, hapon ng Linggo.

Sa paunang impormasyon mula sa United States Geological Survey (USGS), naganap ang magnitude 6.4 na lindol alas-5:52 oras sa Guam.

Naitala ang episentro ng pagyanig sa 212 kilometro timogsilangan ng Hagatna at may lalim itong 10 kilometro.

Wala namang report tungkol sa anumang pagkasira ng mga ari-arian o casualty dahil sa lindol.

Read more...