‘Very good’ satisfaction rating sa war on drugs, welcome sa Palasyo

Kuha ni Jong Manlapaz

Welcome sa Palasyo ng Malakanyang ang ‘very good’ na satisfaction rating sa kampanya kontra sa ilegal na droga.

Lumabas sa Second quarter survey ng Social Weather Stations (SWS) na 78 percent sa mga Pilipino ang nasisiyahan sa naturang kampanya ng administrasyong Duterte.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na ang suporta ng mga Pilipino ay isang testamento para ipagpatuloy ang war on drugs.

Dagdag pa nito, napatunayang nagtagumpay ang kampanya sa kabila ng mga natatanggap na batikos.

Nais aniya ng mga Pilipino na magkaroon ng crime-free society sa tulong ng pagpuksa sa kriminalidad at droga.

Read more...