LOOK: Heart Evangelista, napabilang sa “on point guests” ng Salvatore Ferragamo

Photo grab from Salvatore Ferragamo’s Instagram account

Matapos ang New York Fashion week, nakilala na naman si Kapuso actress Heart Evangelista sa kaniyang ganda at pananamit.

Dumalo si Heart sa Salvatore Ferragamo SS19 fashion show sa Milan Fashion Week.

Dahil dito, napabilang ang Kapuso actress bilang isa sa “on point guests” ng Ferragamo.

Makikita sa kanilang Instagram account ang larawan ni Heart kasama ang iba pang fashion icons na sina Hannah Quinlivan, Philippa Coulthard at Krystal Jung.

Suot ni Heart ang isang marigold button down at itim na palda kasama ang maroon na boots at asul na sling purse.

Una nang napasama si Heart bilang isa sa “favorite faces” ng Kate Spade at best dressed list ng Elle Magazine.

Read more...