Ayon sa 11am weather advisory ng PAGASA, ang naturang sama ng panahon ay nasa typhoon category na.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 145 kilometro kada oras.
Huli itong namataan sa layong 1,260 kilometro Silangan ng Central Luzon.
Kumikilos ito sa bilis na 25 kilometro kada oras sa direksyong Kanluran-Hilagang-Kanluran at papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw.
Pagpasok ng bagyo sa PAR ay papangalanan itong Paeng.
Ayon sa PAGASA, hindi palalakasin ng naturang sama ng panahon southwest monsoon o hanging habagat, ngunit maapektuhan nito ang bahagi ng extreme Northern Luzon, partikular ang Batanes at Babuyan Group of Islands sa Biyernes, September 28.