Vatican at China nagkasundo sa bishop appointments

AP photo

Nagkaroon ng “provisional agreement” ang Vatican at China patungkol sa bishop appointments.

Pitong mga obispo ng China na nauna nang pinangalan nito nang walang pahintulot ng Santo Papa ang tinanggap ng Vatican.

Halos pitong dekada nang hindi nagkakasundo ang Holy See at Beijing matapos ang kagustuhan ng China na dapat mula sa kanilang pamahalaan manggagaling ang bishop appointments sa kanilang bansa, na taliwas sa kapangyarihan ng Santo Papa na siyang pumipili ng mga obispo.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Vatican na umaaasa si Pope Francis na sa pamamagitan ng naturang kasunduan ay masisimulan na ang full communion ng lahat ng Chinese Catholics sa Rome.

Umaasa rin aniya ang Santo Papa na mahihilom na ang mga sugat ng nakaraan dahil sa kasunduan.

Mayroong nasa 12 milyong Katoliko sa China, ngunit hati ang mga ito sa miyembro ng Chinese Catholic Patriotic Association kung saan ang mga pari ay pinili ng pamahalaan ng China, at sa underground church na nananatiling loyal sa Vatican.

Read more...