Sa resulta ng Second Quarter survey, lumabas na 78 percent sa mga Pilipino ay ‘satisfied’ sa illegal drugs campaign, 13 percent ang ‘dissatisfied’ at 9 percent naman ang ‘undecided.’
Ang net satisfaction sa Mindanao ang naitalang pinakamataas na may +84 rating.
Samantala, bumaba naman ng 12 points ang net satisfaction sa Visayas na may +57 rating.
Sa Metro Manila, nanatiling ‘very good’ ang net satisfaction na may +67 rating. Mas mataas ito ng dalawang punto mula sa nakaraang period.
Kumpara sa huling survey nito, tumaas ito ng 1 percent mula sa +77 percent noong December 2017.
Isinagawa ang survey sa 1,200 respondents sa pamamagitan ng face-to-face interviews mula June 23 hanggang 27, 2018.
Naging kontrobersyal ang war on drugs ni Pangulong Rodrigo Dutert dahil sa dami ng mga nasasawing drug suspects at mga natotokhang.