DFA, nakatutok sa sitwasyon sa Iran matapos ang malagim na pag-atake sa military parade

 

Nagsimula nang tutukan ng Department of Foreign Affairs o DFA ang sitwasyon sa Ahvan, Iran.

Ito ay matapos paulanan ng bala ng mga armadong lalaki ang taunang military parade sa lugar.

Dahil dito, hindi bababa sa dalawampu’t lima (25) katao ang patay habang hindi bababa sa animnapu (60) ang sugatan.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng DFA na kumakalap na ng impormasyon ang Embahada ng Pilipinas Tehran sa naganap na pag-atake.

Ayon kay Ambassador Wilfredo Santos, nakasuot ang mga armadong lalaki ng military uniforms nang sumalakay sa parada.

Sa tala ng DFA, aabot sa 1,184 na Pilipino ang kasalukuyang naninirahan sa Iran.

Ito na ang itinuturing na isa sa pinakamadugong pag-atake sa pwersa ng mga sundalo.

 

Read more...