Kabayan Rep. Ciriaco Calalang, pumanaw na sa edad na 67

Pumanaw na si Kabayan Partylist Rep. Ciriaco Calalang, umaga ng Linggo (September 23, 2018).

Sa edad na 67-anyos ay sumakabilang-buhay ang mambabatas matapos ang isang massive stroke.

Ayon sa kapwa nitong kinatawan ng Kabayan Partylist na si Ron Salo, na-confine pa si Calalang sa De Los Santos Medical Center kung saan siya inoperahan noong September 17, 2018.

Naulila ni Calalang ang tatlong adopted children na sina Atty. Joseph Ivan Calalang, Carissa Calalang at Carlo Calalang.

Magkakaroon ng public wake para kay Calalang sa St. Peter Memorial Chapels sa Quezon Avenue, Quezon City simula sa Miyerkules, September 26, 2018.

Si Calalang ay isang law professor at taxation lawyer, bago naging miyembro ng Kamara.

Siya ang pumalit bilang Kabayan representative nang mapunta sa Malakanyang si Presidential Spokesman Harry Roque.

Sa kanyang paninilbihan bilang kongresista, nakapag-akda siya ng 47 house measures, bukod pa sa nagsulong ng mga programa at adbokasiya.

 

Read more...