Pumalo na sa apatnapu’t apat (44) ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa naganap na landslide sa Itogon, Benguet.
Ayon kay Supt. Pilita Tacio, tagapagsalita ng PNP Cordillera, ang naturang bilang ay mga nakuhay na katawan sa landslide sa Barangay Ucab.
Dahil dito, umakyat na sa pitumpu’t apat (74) ang bilang ng mga nasawi sa buong probinsya.
Ayon naman kay Itogon Mayor Victoria Palangdan, tuloy pa rin ang retrieval operations sa lugar.
Dumating na rin ang apat na backhoe na gagamitin sa operasyon sa “ground zero.”
Sa naturang lalawigan, mayroon pa aniyang tatlumpu’t siyam (39) na nawawala at sampu (10) ang narekober na katawan ngunit hindi pa nakikilala.
Magugunitang nagka-landslide sa ilang lugar sa Benguet, bunsod ng pananalasa ng Bagyong Ompong.