Sacramento Kings guard Bogdanovic, nagtamo ng left knee injury

Inquirer file photo

Dalawang linggo bago ang unang pre-season game, nagtamo ng injury ang Sacramento Kings guard Bogdan Bogdanovic matapos maglaro sa international play para sa Serbian national team.

Nakaramdam ng pananakit sa kaliwang tuhod si Bogdanovic sa kasagsagan ng laro kontra sa Estonia sa World Cup qualifier.

Dahil dito, nakatakdang sumailalim si Bogdanovic ng minor arthroscopic procedure sa New York sa araw ng Lunes.

Nagsimulang maglaro si Bogdanovic sa Kings noong nakaraang season na may average score na 11.8 points, 2.9 rebounds at 3.3 assists bilang rookie.

Nakapirma si Bogdanovic ng tatlong taong kontrata sa naturang koponan.

Read more...