Typhoon ‘Trami’ lalo pang lumakas, papasok ng bansa ngayong araw

Lumakas pa ang bagyo sa labas ng PAR na may international name na ‘Trami’.

Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, isa na itong severe tropical storm.

Huli itong namataan sa layong 1,580 kilometro Silangan ng Central Luzon.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 120 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksyong Kanluran-Hilagang-Kanluran at papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw.

Ayon sa PAGASA, hindi ito tatama sa kalupaan ngunit makakaapekto ang kaulapang dala nito sa ilang bahagi ng bansa.

Dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ), mararanasan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Palawan, buong Visayas at Mindanao.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay maalinsangan ang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Read more...