Higit 3,000 operator ng jeep, nabigyan ng Pantawid cards sa Negros Occidental

Mahigit 3,000 na jeepney operator ang nakatanggap ng Pantawid Pasada Card sa Negros Occidental, araw ng Sabado.

Aabot sa kabuuang 3,800 na pantawid cards ang ipinamigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Bank of the Philippines sa mga operator sa probinsya.

Ayon kay LTFRB Chief Transportation Development Officer Janet Solinap, mayroong laman na P5,000 ang kada card.

Maaari aniya itong gamitin ng mga drayber hanggang sa katapusan ng 2018.

Malaking tulong aniya ang card sa mga drayber lalo na’t tuluy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Samantala, sinabi ni Solinap na dadagdagan ang laman ng card sa susunod na taon.

Read more...