Boceto ng “Spolarium,” nabili sa halagang P63M

Photo credit National Museum website

Nabili na ang boceto o sketch ng tanyag na masterpiece ni Juan Luna na “Spolarium” sa ‘The Well Appointed Life’ event ng Salcedo Auctions, araw ng Sabado.

Nagsimula ang presyo ng bidding nito sa halagang P25 milyon at nakuha ng isang kliyente sa halagang P63 milyon.

Natagpuan ang sketch ng Spolarium sa Europa ngayong taon matapos makatanggap si Salcedo Auctions Executive Director Richie Lerma ng e-mail mula sa isang lalaki na nagtatago ng pinaliit na bersyon nito.

Ang pagkakahanap ng boceto ng Spolarium ay ikinokonsidera ng Salcedo Auctions bilang “greatest Philippine art discovery.”

Tumagal nang 24 minuto ang isinagawang bidding sa naturang artwork sa Rigodon Ballroom sa The Peninsula Manila.

Maliban dito, nabili rin sa auction ang dalawang “Golden Period” paintings ni Fernando Amorsolo, dalawang paintings ni Felix Resurreccion Hidalgo at ang 1964 piece ng National Artist na si Benedicto “BenCab” Cabrera.

Read more...