Hepe ng Bulacan police, timbog dahil sa pangingikil

Arestado ang hepe ng Bulacan police dahil sa pangingikil sa ikinasang entrapment operation, araw ng Sabado.

Nahulihan si Supt. Jowen Dela Cruz ng iPhone X na umano’y hiningi mula sa kapatid na babae ng isang suspek na nakakulong sa Bocaue municipal jail.

Pinangunahan ni Supt. Joel Estaris, deputy commander ng Police Counter-Intelligence Task Force (CITF), ang operasyon bandang 12:07 ng madaling- araw.

Ayon kay Estaris, lumapit ang kapatid na babae ng suspek sa CITF matapos umanong humingi si Dela Cruz ng smartphone na
nagkakahalaga ng P75,000 kapalit ng pagkakalaya ng suspek.

Nakuha rin kay Dela Cruz ang dalawang sasakyan at dalawang motorsiklo para imbestigahan.

Nakadetine si Dela Cruz sa national police headquarters sa Camp Crame.

Read more...