Ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang patuloy na nakakaapekto sa Bicol Region, Visayas at Minadanao.
Ayon sa Pagasa, ang naturang mga rehiyon ay nakakaranas ng maulap na panahon na may kalat kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa ITCZ.
Pinag-ingat ng ahensya ang mga residente sa nasabing mga lugar sa posibleng baha at landslide.
Sa Metro Manila naman at natitirang bahagi ng bansa ay maulap din ang panahon.
Asahan din ang pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Samantala, minominitor pa rin ng Pagasa ang Tropical Storm Trami na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sabado ng hapon, huling namataan ang bagyo 1,845 kilometers east ng Central Luzon taglay ang hangin na 85 kilometers per hour at bugong
105 kilometers per hour.
Tinatahak nito ang direksyong west northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.
Inaasahang papasok ito sa bansa bukas Linggo at tatawaging Bagyong Paeng.