Dating Pinay actress Vilma Valera, pumanaw na sa edad na 83

Photo grab: jervismusic’s Youtube account

Pumanaw na ang dating kilalang Filipino actress na si Vilma Valera sa Roseville, California sa edad na 73.

Sa isang panayam, sinabi ng kaibigan at kapitbahay nitong si Donnie Quintero Pestrana na pumanaw ang aktres habang natutulog dahil sa kumplikasyon sa sakit sa Diabetes dakong 6:50, Biyernes ng umaga.

Napaulat na nanatili si Vilma sa isang care facility.

Sumikat si Vilma sa mga pelikulang Salambao (1964), Duelo sa Sapang Bato (1963) at Nag-uumpugang Bato (1961).

Nakapag-record din si Vilma ng ilang albums bago nagretiro sa show business noong 1970.

Read more...