Adamson Falcons, undefeated pa rin sa UAAP Season 81 men’s basketball

Inquirer file photo

Nanatiling undefeated ang Adamson Falcons matapos matalo ang University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament.

Natapos ang laban ng dalawang koponan sa iskor na 79-71.

Pinangunahan ang laro ni Jerrick Ahanmisi na nakapagtala ng 20 points.

Ayon kay Adamson head coach Franz Pumaren, pinatunayan ng kaniyang bench players na kaya nilang umangat sa laro.

Nakapag-ambag din sa laro sina Vince Magbuhos sa record na 15 points at 4 steals at Jonathan Espeleta sa kaniyang 12 points.

Sa ngayon, mayroon nang 3-0 win-loss record ang Falcons.

Read more...