Ito ay matapos mailigtas ang 27 Pinay mula sa isang sex trafficking syndicate sa Malaysia.
Ayon kay Philippine Ambassador to Malaysia Charles Jose, ginamit ng sindikato ang social media para mag-alok ng trabaho bilang promodizer ng alak sa apat na establisimyento sa Singapore.
Sa inilabas na pahayag, hinikayat ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang mga Pilipino na pag-isipang mabuti bago mag-apply sa mga nakikitang job opportunities online.
Marami na aniyang kaso ng mga Pilipinong nabibiktima at nauuwi ang trabaho bilang kasambahay sa iba’t ibang bansa.
Samantala, nailigtas ang mga biktima matapos i-raid ang isang apartment kung saan namamalagi ang mga ito sa Johor Bahru.
Naaresto ang Pinoy caretaker ngunit kalaunan ay pinalaya rin.