Binisita ni Duterte ang 10 sundalo at dalawang sibilyan, araw ng Biyernes, September 21.
Nasugatan ang mga ito sa kasagsagan ng kabi-kabilang military offense operations sa lugar.
Sa isang pahayag, sinabi ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na nais anila ng pangulo na personal na alamin ang kondisyon ng mga ito at mapagtibay ng kanilang moral.
Ayon pa sa PCOO, kinausap ni Duterte ang mga sugatan at pinangaralan ng Order of Lapu-Lapu na may ranggong Kampilan.
Maliban dito, pinagkalooban din ang mga sugatan ng cellphone, tulong-pinansiyal, caliber .45 na baril at relo.
Binista ni Duterte ang mga sugatan matapos ang kaniyang dalawang pinuntahang appointment sa Cebu.