Blogger Drew Olivar, nag-sorry sa kaniyang Edsa bomb scare post

Humingi ng paumanhin ang Pro-Duterte blogger na si Drew Olivar sa kaniyang Edsa bomb scare post sa Facebook.

Sa press conference sa headquarters ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa, nag-sorry si Olivar sa mga naalarma na iba aniya ang pagkakaintindi sa kaniyang sinabi.

Gayunman, iginiit ni Olivar na wala siyang intensyon na takutin ang publiko sa kaniyang post.

Paliwanag nito, nagbigay paalala lang siya na mag-ingat ang mga nakiisa sa kilos-protesta sa ika-46 anibersaryo ng Martial law declaration.

Matatandaang naging kontrobersyal si Olivar kasama si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa viral video tungkol sa Pederalismo at sign language.

Read more...