Bagyong binabantayan sa labas ng PAR, lumakas pa

Photo credit: PAGASA

Lumakas pa ang isang binabantayang tropical depression sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa 11:00 am update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo na may international name na Trami sa layong 2,060 kilometers East ng Central Luzon.

Mayroon na itong lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers per hour at may pagbusgo na aabot sa 90 kilometers per hour.

Tinatahak ng bagyo ang direksyong West Northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.

Oras na pumasok sa PAR, papangalanan ang bagyo na Paeng.

Inaasahan ang pagpasok ng bagyo bukas, September 23, sa pagitan ng hapon at gabi.

Ayon pa sa weather bureau, posibleng maapektuhan ng bagyo ang bahagi ng Batanas at Babuyan Group of Islands sa Biyernes, September 28.

Read more...