Republic of Korea, nagbigay ng $300,000 halaga ng humanitarian aid para sa Ompong victims

Photo courtesy of Philippine Red Cross

Nagpaabot ng tulong ang Republic of Korea para sa mga biktima ng Bagyong Ompong.

Iniabot ng embahada ng Korea sa bansa ang ayuda na nagkakahalaga ng $300,000 o P15 milyong piso.

Personal na ibinigay ni Korean ambassador to the Philippines Han Dong-man ang tulong kay Philippine Red Cross Chairman Sen. Richard Gordon.

Sinabi ni Han na umaasa siyang ang ayuda ay makatutulong upang maibsan ang hirap ng mga apektadong komunidad at mapadali ang pagbangon ng mga ito sa trahedya.

Sa isang pahayag sinabi ng Korean embassy na kumpyansa silang madaling makakabangon ang mga Filipino sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Nagpaabot din ang bansa ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi.

Read more...