Sa panayam ng INQURER.net kay National Capital Region Police Office Director Guillermo Eleazar, sinabi nitong iimbestigahan ang panibagong kontrobersiyang kinasasadlakan ng blogger.
Ani Eleazar, nagboluntaryo pa anya si Communications Assistant Secretary Mocha Uson na dalhin ang kaibigan sa kanyang tanggapan.
Ngayong araw tutungo ang dalawa sa opisina ng police official para magpaliwanag.
Sa kanyang post sinabi ni Olivar na nakakatakot magsagawa ng rally kahapon sa EDSA, anibersaryo ng Martial Law declaration, dahil maaring maganap muli ang pagbomba sa Plaza Miranda.
Sinabi naman ni Eleazar na wala silang natanggap na kahit anong ulat ng pambobomba.
Makailang beses nang nasasadlak si Olivar dahil sa pepederalismo video at pagbibiro sa sign language kasama si Asec. Uson.