Surigao del Sur at Davao Occ, niyanig ng lindol

Naitala ang magkahiwalay na pagyanig sa mga lalawigan ng Surigao del Sur at Davao Occidental Sabado ng madaling araw.

Sa impormasyon mula sa Phivolcs, isang magnitude 3.1 na lindol ang yumanig sa Surigao del Sur ala-1:03 ng madaling araw.

Ang episentro nito ay sa layong 27 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Lingig.

May lalim itong 22 kilometro.

Alas-2:09 naman ng tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Davao Occidental.

Ang episentro nito ay sa layong 367 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Sarangani.

May lalim itong 74 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman inaasahan ang aftershocks.

Wala ring inaasahang pinsala sa mga ari-arian.

Read more...