Resignation ng 2 pang Chilean bishops dahil sa sex abuse scandal tinanggap na ni Pope Francis

Tinanggap ni Pope Francis ang pagbibitiw sa pwesto ng dalawa pang obispo sa gitna ng sex abuse scandal na sumusubok sa Simbahang Katolika sa Chile.

Dahil dito, umakyat na sa pito ang Chilean bishops na nagbitiw dahil sa kontrobersiya.

Sa pahayag na inilabas ng Vatican, ang dalawang bagong nagresign ay sina San Bartolome de Chillan Bishop Carlos Eduardo Pellegrin Barrera at San Felipe Bishop Cristian Enrique Contreras Molina.

Dahil dito ay nagtalaga muna ng hahalili ang Santo Papa sa dalawa o ang tinatawag na Apostolic Administrators na magpapatakbo sa diyosesis habang wala pang naitatalagang mga bagong obispo.

Read more...